LOOK | Pahayag ng UP Padayon Public Service Office para sa pakikiisa sa UP Day of Remembrance

| Written by Padayon UP

(Courtesy of Matthew Zach Quinto)

 

 

 

PAHAYAG NG UP PADAYON PUBLIC SERVICE OFFICE PARA SA PAKIKIISA SA DAY OF REMEMBRANCE

 

Ngayong Day of Remembrance, nakikiisa ang University of the Philippines Padayon Public Service Office sa paggunita at pagkilala sa mga sakripisyo ng mga miyembro ng komunidad ng Unibersidad ng Pilipinas na piniling tumindig at lumaban sa diktadurya ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. 

 

Inilunsad ang Day of Remembrance noong 2018 bilang paggunita sa alaala ng mga martir at bayaning nagmula sa UP na lumaban para sa tunay na demokrasya. Maaalalang ipinatupad ni Pangulong Marcos ang Batas Militar sa buong bansa noong Setyembre 21, 1972 na tumagal nang higit na isang dekada.

 

Binibigyang-diin ng ating paggunita ang makasaysayang tungkulin ng Unibersidad sa pagsusulong ng academic freedom at karapatang-pantao noon, sa kasalukuyan, at sa darating pang mga panahon. 

 

Bilang isang public service university, tinitiyak ng Unibersidad na ito’y patuloy na magsisilbi para sa malawak na interes ng sambayanang Pilipino, kabilang na rito ang pagtindig para sa demokrasya at karapatang-pantao, at paglaban sa maling impormasyon at sa pagtatangka  ng iilan na baguhin ang mga madidilim na bahagi ng kasaysaysan. 

 

#NeverAgain #DayofRemembrance #ArawngPaggunita #WeRememberUPDayofRemembrance