Ginagawan ng paraan ng ilang eksperto na maisalba ang endangered species na tawilis na papaubos na ang populasyon.
Sa pangunguna ni Dr. Ma. Vivian Camacho, station manager ng University of the Philippines Los Baños Limnological Station, kasama ang Department of Science and Technology Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development, may ilang pag-arangkada na sa mga inisyatibo para maparami uli ang endemic na isda sa Pilipinas.